Mga maganda at hindi magandang epekto ng Teknolohiya
Telebisyon,Radio,Internet,Social Media.
Ilan lamang ito sa mga umuusbong na mga bagay-bagay na nabibilang sa mass media.
|Ano nga ba ang mass media? Bakit ba
|maraming isyu ang nalalahad kapag
|pinag-uusapan na ito?
|Ganon ba talaga ito ka-popular |pagdating sa mga tao? Sa makabagong |henerasyon nariyan din ang pagsulpot
|ng mga makabagong Teknolohiya |pangkomunikasyon gaya ng cellphone.
|Ano ba ang mga naidudulot nito sa
|sa ating wika at kultura?
Naging malaking ambag na sa kulturang Filipino ang pag-usbong at pag-unlad ng (mass media) mass midya.
Gamit ang wika, pinadadali nito ang paghahatid ng berbal na mensahe sa pamamagitan ng midya. Lalo pang pinabilis ang pagpaparating ng mensahe sa pag-usbong ng mass midya sa paglaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng makabagong Teknolohiya.
Sa kasalukuyan, sa araw-araw na pakikisalamuha ng tao, siya ay pinaliligiran na ng mass midya.
Dinaranas niya ito sa pakikinig ng radyo, panunood ng telebisyon, pagiging aktibo sa Internet, at marami pang iba.Magagamit din ang midya sa pamamagitan ng iba't ibang midyum tulad ng cellphone, mga social networking sites at iba panh uri ng mga elektronikong kagamitan.Naging malaking bahagi na rin ito ng ating pang-araw araw na gawain na siya namang humuhulma sa kabuuang transaksiyon natin sa lipunan.
![]() |
Social Networking |
Lumalaganap ang paggamit ng mga salitang Jargon na nang-gagaling sa patuloy na paggamit ng modernong teknolohiya gaya ng internet na nakak-apekto sa kung paano i-delibira ang mga napapanuod ng mga pilipino sa media.Dahil sa mga salitang Jargon, naaapektuhan ang pamamaraan ng mga mamayang pilipino kung paano nila ipahiwatig ang kani-kanilang mga nararamdaman,Minsan naman ay ang mga salitang ginagamit dito ay nagmula pa sa ibang bansa.
Nawawalang silbi ang pag-aaral ng matalinhagang wikang pambansa dulot ng pag pokus sa pang malawakang pananaw ng ika-uunlad ng bansang Pilipinas. Dahilan rin sa mga makabagong teknolohiya ang isang malusog na komunikasyon sa loob ng isang sambahayan ay nababawasan dahilan sa papo-pokus nila sa kanilang mga gadgets.
Siguro naman ay alam ninyo kung ano ang ibig sabihin ng jejemon, hind ba? Oo, tama. Sila nga iyong mga taong mahilig lagyan ng mga dagdag letra o bawasan para paiklehen o di naman kaya ay palitan ng numero ang letra sa salita na mas pinapahirap ang pagbabasa ng mga salita. Katulad nalang ng imaheng inilahad sa baba. Simula nang nabuo ang selpon at nang nauso ito, marami na ang gumagamit ng wikang binuo ng mga jejemon.
|Pagdating ba sa ugali?May naging |epekto ba ang mass media sa kultura |at wikang Filipino?
Ang sagot? Isang malaking 0o.Mapapansin naman ngayun, lalong lalo na sa mga kabataan ngayun nawawalan na sila ng respeto sa kanilang mga magulang o kahit kanino man na mas nakakatanda sa kanila . Dahilan?. Impluwensya ng mga taong nakakasalamuha nila sa paggamit ng social media sa Internet. Natututo na silang mag rebelde, magsinungaling at nakakaya pa nilang saktan ang kanilang mga magulang hindi lamang sa emosyonal na aspekto, pati na rin sa pisikal na aspekto.
|Alam niyo ba kung paano ang paraan
|ng panliligaw noon?
|Ano naman ang paraan ng panliligaw |ngayun?
Dati panay ang pagpapakita ng tiyaga ang mga lalaki sa panliligaw sa dalagang napupusuan. Araw -araw hinaharana at inaalayan ang mga babae at binibigyang halaga ang mga ito.
Makikita noon ang respetong binibigay ng mga lalaki' mapatunayan lamang na seryuso sila sa kanilang nararamdaman. Di padalos-dalos ang mga kilos na kanilang ginagawa. Iniisip muna nila ang magiging dulot ng kanilang mga askyon. Para sa kanila dati, ang relasyon ay napakahalaga at dapat sineseryuso. Kaya naman dati, bibihira lamang ang babaeng maaga nabubuntis, nasasaktan at iniiwan.
Pero ngayun!!! Halos kulang nalang araw-araw, bago ang kasintahang kinakasama lalong lalo na sa mga kabataan ngayun. Kahit pa sila ay wala sa tamang edad,pumapasok na sila sa ganoong relasyon. Halimbawa nalang sa text kunting labing lang, napapa-0o na agad ang mga babae. Kunting pakilig lang ay nahuhulog na agad ang mga babae. Kitang-kita naman kung gaano kalaking epekto ang naidudulot ng teknolohiya sa pakikipagkomunikasyon.